I. TAYUTAY
1. Alamin ang katangian ng sumusunod na Tayutay:
a. Pagtutulad / Simile
– ito ay di tiyak o di direktang paghahalintulad ng dalawang magkaibang tao,bagay,hayop o pangyayari.
-maaaring ito ay pantay o di-pantay.Ang pantay ay ginagamitanng mga salitang tulad ng ,paris ng,kawangis ng,tila,sing,sim,magkasing,magkasim,at iba pa.Ang di-pantayay ginagamitan mas_kaysa,mas_kumpara kay,higit pa sa,at iba pa.Ito ay tinatawag na SIMILE sa Ingles.
b. Pagwawangis / Metapor
-Ito ay tiyaki na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan Gawain,tawag o katangian ng bagay na inihahambing .Ito ay tinatawag na metaphor sa Ingles.Ito ay katulad ng pagtutulad, maliban sa hindi ginagamit ang mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.
c. Pagsasatao / Personipikasyon
-Ito ay pagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa bagay.
-ginagamit ito upang bigyang buhay,pagtaglayin ng mga katangiang pantao,talion,gawi,kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga salitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa,pandiwari,at pangngalang diwa,personification sa Ingles.
d. Pagmamalabis / Hyperbole
-Ito ay lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay, pangyayari atbp.
e. Pagpapalit-tawag
-Ito ay pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng bagay na magkaugnay.
f. Pagtawag / Apostrope
-ito ay pagtawag sa mga bagay na parang ikinausap sila.
g. Pagpapalit-saklaw
-Pagbanggit ito sa bahagi nga isang bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan.
2. Paano nakaaapekto ang Tayutay at Simbolismo sa inyong pag-unawa sa bawat saknong ng Florante at Laura?
SAGOT:
Mas mapapadali ang aking pag unawa sa bawat saknong ng Florante at Laura kung alam ko ang kahulugan ng bawat tayutayat kung alam ko kung paano ito gagamitin.Mas mauunawaan ko ang bawat nilalaman ng bawat saknong kung ang bawat tayutay ay alam kong gamitin at lagyan ng mga halimbawa.