Takdang Aralain #1 CordovaZuño

I. TALAMBUHAY NI FRANSISCO BALAGTAS

Si Fransisco Balagtas ay ipinanganak noong ika-2 ng Abril. Mayroon siyang tatlong kapatid na sina Felipe, Concha, at Nicolasa. Ang kanyang ama ay si Juan Balagtas na isang pandaysamantalang ang kaniyang ina ay si Juana Cruz na maybahay. Kahit mahirap ang pamilya ni Balagtas ay hindi ito naging hadlang kay kiko na makapag-aral sa Maynila.

Nakilala si Fransisco sa dalawang pagtuturing, Fransisco Balagtas at ang pangngalang Fransisco Baltazar. Nakatala sa kasulatan ng simbahan ng Bigaa ang apelyidong Balagtaz ni Fransisco.

Lumuwas si Kiko sa Tondo, Maynila ng siya ay labing-isang taon pa lamang sa iyang mayaman ay malayong kamag anak na si Donya Trinidad siya namasukan bilang isang utusan. Dahil sa kanyang husay at kasipagan at kinagiliwan siya nito kaya naman siya ay pinag aral nito sa Colegio de San Juan de Letran at Colegio de San Jose. At noong taong 1812 ay nagtapos siya sa pag-aaral ng Batas sa Canones Latin, Kastila, Pisika, Doctrina Christiana, Humanidades Teolohiya at Pilosopiya sa Kolehiyo de San Jose. Si Padre Mariano Pilapil ang nagging guro niya sa Pilosopiya sa nasabing paaralan. Samantalang natuto siyang sumulat at bumigkas ng tula kay Jose dela Cruz o kilala sa sa bansag na Huseng Sisiw na kilalang pinaka sikat na makata sa Tondo. Si Jose dela Cruz ang nag silbing idolo ni Kiko kaya naman mas lalo pa niyang pinagbuti ang pagsulat ng kanyang mga tula at hindi nga nag laon ay nagging tanyag din siya sa larangan ng panulaan.

Noong taong 1835 si Francisco Balagtas ay nanirahan sa Pandacan. At ditto na nga niya nakilala si Maria Asuncion Rivera ang isang magandang dalaga na nagsilbing inspirasyon ni Kiko. Sa Akda niyang Florante at Laura siya ang Tinaguriang Celia ni Balagtas at ang karibal niya dito ay si Mariano Capule. At di kalaunan ay nagwagi nga si Nanong Capule sa pag ibig kay Celia dahil ginawa niya ang kasinungalingan Kiko at sa tulang ng kanyang kayamanan ay naipabilanggo niya si Kiko. At dito na nga niya naisulat ang akdang Florante at Laura sa loob ng bilangguan

Noong taong 1840 ay lumipat si Kiko sa Udyong Bataan. Nanilbihan siya bilang Tenyente Mayor at Huwes mayor de sementera. At ditto rin muling tumibok ang puso niya sa isang dalaga na taga Orion na si Juana Tiambeng at sa pagkakataong ito ay hindi na siya sawi nagpakasal sila noong taong 1842. At nagkaroon sila ng 11 na anak, ngunit sa kasamaang palad ay apat lamang ang nabuhay.

Si Kiko ay muling nabilanggo dahil sa sumbong ng katulong na babae ni Alferez Lucas sa di umano ay pagputol ng buhok ng katulong, at nakalaya naman siya noong taong 1860. At muli nga niyang ipinagpatuloy ang pagsulat ng mga komedya , awit at mga korido, siya ay namayapa noong Pebrero 20,1862 sa gulang na 74.

Fransisco Balagtas

Mga sana all ni Balagtas

  • Sana all may pambayad na sisiw. Si Kiko ay tinuruan ni Jose Dela Cruz (Huseng Sisiw) kapalit ng sisiw.
  • Sana all mayaman. Si Fransisco Balagtas ay galing sa isang mahirap na pamilya ngunit hindi ito nagpatigil sa kanya na mag-aral sa maynila.
  • Sana all pinili. Ang unang babaeng minahal ni Kiko ay si Maria Rivera ngunit nabigo dahil sa kaniyang karibal.
  • Sana all hindi nasakop ng iba. Noong panahon ng espanyol nahirapan si Balagtas i publish ang kaniyang libro , pero sa huli ay nagawa niya ito.
  • Sana all nabuhay ng masaya. Dahil sa panahon date, nahirapan siya at marami ang hadlang ngunit, kung ngayon na hindi na tayo nasakop masaya na sana siyang nabubuhay.

“Minsan, ang kabiguan ang nagtutulak sa isang tao na magsikap at magkamit ng tagumpay”

-Fransisco Balagtas

Mga Hugot ni Balagtas.

  • Nagmahal, nakulong, nabigo. Si Nanong Kapule ay ang karibal ni Kiko kay Maria at ginamit nito ang kanyang kapangyarihan o katayuan upang mapakulong si Balagtas at sa huli nagawa ang kwento na Florante at Laura.
  • Nabigo na nga nakulong pa. Dahil nga sa pagkakulong ni Fransisco, nabigo rin siya kay Maria, at sa huli siya ang kawawa.
  • Kung kailan minahal ako ng mahal ko, hindi kami pinayagan ng magulang niya. Noong naging sila Fransisco at Juana ay naging maganda ang relasyon nila ngunit hindi sila pinayagan ng pamilya ni Juana.
  • Masmasakit mawalan ng anak kaysa mawalan ng pera. Nagkaroon sina Fransisco at Juana ng 11 na anak ngunit 4 lamang ang naka-abot sa pagtanda.

II. SKL/KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA..

A. Ano ano ang paksang tatalakayin sa florante at laura.
Ng tatalakin sa Florante at Laura ay ang pagmamahalan ngunit hindi lang pagmamahalan ang paksa/tema ng Florante at Laura. Ipinapakita din rito ang paghahari sa isang pamahalaan.At kung ano ang tunay na nagyari sa kanyang bayan, mga aral ng oang araw araw na buhay, sa katarungan sa pagpapalaki sa anak sa sipag at tyaga, sa disiplina at kabayanihan. Mayroon ring paksa na tungkol sa pagmamahal sa kanilang mga pamilya, mga katunggalian, diskriminasiyon at pagkakaibigan ng dalawang magka-away.Kasama dito ang mga pinagdaanang buhay nina Florante at Laura.

Tatalakayin din dito ang mga sumusunod:
pagsunod sa magulang ang di pagsuko sa mga problema, ang ipaglaban ang iyong iniibig,
at marami pang iba mahalaga ito dahil habang tinatalakay ang kuwento ng Florante at Laura naiintindihan o maiintindihan mo ang nais ipabatid ng kwentong Florante at Laura.

B. Paano nakaapekto ang alegorya sa pagkakalikha ng obra sa panahon kung kailan ito nilikha.

-Nakaapekto ang alegorya sa pagkakalikha ng obra sa panahon kung kailan ito nilikha sa pamamagitan ng lalo nyang isinapuso ang pamamaraan ng pagsulat, halimbawa na lamang ang paggawa ng obra. Relihiyon at ang paglalaban ng mga moro at kristyano ang ginamit na tema ni Balagtas bagamat naiugnay niya ito sa pag iibigan nina Florante at Laura. Ito ang dahilan kung bakit nagtagumpay siyang mailusot ang obra sa mahigpit na sensura ng mga esoanyol. Gumamit siya ng alegorya kung saan masasalamin ang mga nakatagong simbolismo at mensahe na kakikitaan ng pagtuligsa sa kalupitan ng mga kastila

C. Ano ang orihinal na pamagat nh obrang ito??

-PINAGDAANANG BUHAY NI FLORANTE AT NI LAURA, sa KAHARIANG ALBANIA

D. Ano ang apat n himagsik sa Florante at Laura.
SAGOT;
HIMAGSIK LABAN SA MALUPIT NA PAMAHALAAN

-Masamang palakad ng pamahalaan
-pagmamaltrato ng mga kastila sa mga Pilipino.
-hindi pantay na karapatan ng mga Pilipino At Kastila.

HIMAGSIK LABAN SA HIDWAANG PANANAMPALATAYA.

-dalwa man ang pangalan, iisa sa sa turing at kapangyarihan
-hiwalay ang estado at simbahan
-pagtanggi ng mga Muslim sa Mindanao at Jolo sa relihiying katolika..

HIMAGSIK LABAN SA MALING KAUGALIAN.

-Mga kamalian at kasalanang nagkaugat nang malalim
-hindi mabuting kaugalian ng lahi.
-masagwang pagpapalayaw sa anak.
-pagkamainggitin, pagkamapanghamak.
-mapaghiganti sa kaaway.
-pang aagaw ng pag ibig
-masamang kaugalian sa lipunan.

HIMAGSIK LABAM SA MABABANG URI NG PANITIKAN.

-agwat ng pagtula at pananagalog.
-napagitna ng panitikang tgalog na nakatuon sa pananampalataya.
-pinatunayan ni Balagtas na maaaring makasulat ng isang akdang pampanitikan na maglalahad ng kanyang mga paghihimagsik laban sa oamamalakad ng mg kastila.

E. Paano nakaapekto ang buhay ni balagtas sa kanyang obra..

-Nakaapekto ang buhay ni balagtas sa kanyang obra sa pagkat ito ay mas madali nyang nagawa sapagkat siya ay pinagbasihan nito. Malaki din ang epekto ng buhay ni Balagtas sa kanyang obra dahil naisulat nya ito ng dahil sa pag ibig nya kay smSelya. Ito ay inalay ny akay “Selya” o Maria Asuncion Rivera. Ang babaeng minahal nya ng labis at nagdulot din sa kanya ng labis na kabiguan. At ang pag ibig nyang ito ang nagbigay ng gulo sa kqnyang buhay. Ito ay naglalaman ng mahahalagang bagay at mahahalagang aral. Katulad ng tamang pagpapalaki sa mga anak, pagiging mabuting magulang, at pagmamalasakit sa bayan, pag iingat laban sa mga taong mapagpanggap o mapagkunwari at makasarili.

F. May epekto ba ang obrang ito sa panahon ng Himagsilan? Patunayan.

-Opo may epekto ang obrang ito sa panahon ng himagsikan., sapagkat sa panahong ito ipinatupad ng mga emEspanyol ang sensura kayat ipinagbawal ang mga babasahin at plaabas na tumutuligsa sa mga pagmamalabis at kaluoitan ng mga Espanyo, ang mga aklat na nalimbag sa panahong ito ay karaniwang patungkol sa relihiyon o di kaya ay sa paglaban ng mga Moro at Kristiyanona tinatawag ding Komedya o Moro-moro, gayundin ang mga diksyunaryo at aklat pang gramatika.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started